22 patay sa landslides at flashfloods sa Indonesia

By Rhommel Balasbas October 14, 2018 - 06:32 AM

Hindi pa man nakababangon sa trahedya na idinulot ng lindol at tsunami ay may bago na namang kinahaharap ang Indonesia.

Ito ay matapos masawi ang nasa 22 katao habang marami pa ang nawawala dahil sa flashfloods at landslides bunsod ng walang-tigil na pag-uulan sa western Indonesia.

Mula noong Miyerkules ay tuloy-tuloy ang buhos ng ulan na nagresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Sumatra Island.

Ayon kay National Disaster Agency Sutopo Purwo Nugroho, 17 ang kumpirmadong patay sa North Sumatra habang lima naman sa West Sumatra.

Labing-isa sa mga nasawi ay estudyante mula sa Muara Saladi Village matapos ang mga itong tamaan ng isang building na nasira ng flashflood.

Nasa dose-dosenang bahay din ang nasira.

Pahirapan ang search and rescue operations sa ilang mga lugar dahil sa landslides ayon kay North Sumatra disaster agency head Riadil Lubis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.