Malacañang, ikinatuwa ang muling pagkakahalal ng Pilipinas sa UNHRC
Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang muling pagkakahalal ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang reelection ng bansa sa UNHRC ay patunay lamang na kinikilala ng kapulungan at ng ibang bansa ang pagrespeto ng administrasyon sa karapatang pantao.
Ani Panelo, sumasalungat din ang kaganapang ito sa mga kritiko ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Ang muli anyang pagkakahalal ng Pilipinas sa UNHRC ay nagpapakita ng pagkilala sa drug war na mahalaga para sa pagprotekta sa buhay, Kalayaan at ari-arian ng mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.