Sevilla bridge na nag-uugnay sa Maynila at Madaluyong isasara sa trapiko

By Den Macaranas October 13, 2018 - 07:03 PM

Simula mamayang alas-dyes ng gabi araw ng Sabado ay pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang magkabilang bahagi ng Sevilla bridge sa Mandaluyong City.

Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tatagal ng hanggang alas-syete ng umaga bukas, araw ng linggo ng temporary closure ng nasabing tulay.

Ang Sevilla bridge ang nag-uugnay sa Shaw Boulevard, Mandaluyong at P. Sanchez street sa Maynila.

Ang nasabing pagsasara ng tulay ay bahagi ng 17-month rehabilitation project na sinimulan noon pang buwan ng Pebrero.

Araw-araw ay umaabot sa 40,000 mga sasakyan ang tumatawid sa nasabing tulay na nangangailangan na ng pagsasa-ayos ayon sa MMDA.

Ang mga traffic personnel ng MMDA ay naglagay na rin ng mga karatula para sa mga maaapektuhang mga motorista.

TAGS: Mandaluyong City, manila, mmda, rehabilitation, Sevilla Bridge, Mandaluyong City, manila, mmda, rehabilitation, Sevilla Bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.