Comelec: Disqualification ng “narco-politicians” dapat busisiin ng husto

By Den Macaranas October 13, 2018 - 03:02 PM

Nanindigan ang Commission on Elections na dapat ay may hatol muna sa hukuman bago sila magdeklarang disqualified ang isang tinatawag na “narco politician”.

Ipinaliwanag ni Comelec spokesman James Jimenez na dapat silang maging maingat dahil baka magamit sa pamumulitika ang nasabing isyu.

Nauna nang ipinanukala ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na dapat ideklarang disqualfied ng Comelec ang mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.

Ganito rin ang panukala ng liderato ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Comelec.

Sinabi ni Jimenez na iba’t ibang mga paninira ang inilalabas ng mga pultiko laban sa kanilang mga kalaban kaya dapat ay maging maingat ang kanilang tanggapan.

Pero nilinaw ng opisyal na hindi nila tuluyang ibinabasura ang mga panukala para matiyak na hindi makakapwesto sa pamahalaan ang mga sangkot sa iligal na droga.

TAGS: año, DILG, Jimenez, narco politician, PDEA, año, DILG, Jimenez, narco politician, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.