Panelo kumportable na maging tagapagsalita ni Duterte

By Den Macaranas October 13, 2018 - 02:59 PM

Inquirer file photo

Ipinagmalaki ni incoming Presidential Spokesman Salvador Panelo na mas mga sariwang impormasyon ang kanyang maihahatid sa publiko tungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa pangulo.

Bago pa man maging miyembro ng gabinete ay matagal na umano niyang kaibigan ang pangulo kaya mas maipapaliwanag niya ang mga posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil siya rin ang concurrent Chief Presidential Legal Counsel ay mas magiging madali na rin kay Panelo na makapagbigas ng pahayag sa ilang usaping legal na sangkot ang tanggapan ng pangulo.

Idinagdag rin ng kalihim na malaking bentahe na halos ay magkasing-edad sila ni Duterte at pareho ang kanilang pananaw sa ilang mga isyu.

Gayunman ay tiniyak ni Panelo na ipapaliwanag lamang niya pero hindi niya pababanguhin ay kaya ay palalambutin ang mga pahayag ng pangulo lalo na ukol sa polisiya ng kasalukuyang administrasyon

Magugunitang ilang beses na nagkaroon ng pagkakaiba ang mga pahayag ng pangulo sa mga pinakawalang official statement ni dating Presidential Spokesman Harry Roque .

TAGS: duterte, Malacañang, panelo, presidential spokesman, Roque, duterte, Malacañang, panelo, presidential spokesman, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.