Presyo ng diesel at gasolina may rollback bukas

By Den Macaranas October 13, 2018 - 01:33 PM

Inquirer file photo

Makaraan ang siyam na linggong sunud-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumapanya ng langis.

Nauna nang inanunsyo ng Phoenix Petroleum Philippines na aabot sa P0.80 kada litro ang kanilang kaltas sa gasolina, P0.60 sa bawat litro ng diesel at P0.20 para sa kada litro ng gaas o kerosene.

Bago magtanghali kanina ay inanunsyo na rin ng Seaoil at ng Petro Gazz ang kahalintulad na price rollback.

Bago matapos ang araw ay inaasahang susunod na rin sa magpapatupad ng tapyas sa kanilang presyo ang iba pang mga oil companies.

Epektibo ang nasabing bawas-presyo 12:01 ng madaling araw ng Linggo.

Nauna nang inihayag ng mga kumpanya ng langis na bahagyang bumaba sa world market ang halaga ng petrolyo.

Wala namang inaasahang paggalaw sa susunod na linggo sa halaga ng cooking gas at auto LPG.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, Petro Gazz, Phoenix, rollback, Seaoil, BUsiness, diesel, gasoline, Petro Gazz, Phoenix, rollback, Seaoil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.