Iniimbestigahan na ng Pentagon ang cyber attack sa kanilang mga travel records na naging dahilan ng paglantad ng ilang mga personal information ng kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Pentagon spokesman Lieutenant Colonel Joseph Buccino nakarating sa kanila ang insidente noong Oktubre 4 bagaman maliit na porsiyento lamang ang nakuhang “personally identifiable information.”
Noong nakaraang linggo magkakasabay na kinondena ng maraming bansa ang bansang Russia sa paglulunsad umano ng “global hacking campaign” target ang maging ang ilang mga sports bodies, nuclear power company at mga chemical weapons watchdog.
Binabatikos din ang Pentagon sa mabagal na aksyon kaugnay ng pangyayaring ito na naglalagay anila sa panganib sa mahahalagang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.