‘Rido’ ng dalawang angkan sa North Cotabato, pansamantalang natigil

By Kathleen Betina Aenlle November 05, 2015 - 04:10 AM

 

north cotabato
Mula sa google maps

Napatigil ng isang negosasyon ang “rido” o awayan ng mga angkan na namayagpag sa isang liblib na lugar sa Pigcawayan, North Cotabato.

Pinamunuan ng mga puwersa ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front ang mga sangkot sa alitang ikinamatay ng dalawang katao, ikinasugat ng dalawang iba pa at nagtulak sa halos 200 pamilyang residente doon para lumikas sa mga kalapit na barangay.

Sina Abdula Abdulsalam Maraguer, kapitan ng Barangay Burikain sa Picawayan, at Kandil Sampiano alyas Commander Kandil na pinuno naman ng MILF 105th Base Command ang nasangkot sa engkwentro.

Nagsimula ito nang tambangan ng grupo ni Commander Kandil si Maraguer na ikinasugat ng kaniyang escort na si John Paul Maraguer habang nakasakay sila sa motorsiklo.

Dakong hapon, gumanti sina Maraguer nang balikan nito ang mga pwersa ni Kandil na siyang naging hudyat na ng limang oras na bakbakan sa pagitan ng dalawang magkakalabang grupo na tumagal hanggang kinabukasan, Martes ng umaga.

Noong isang linggo, isang kaanak ni Kandil ang napatay sa isang pag-atake na hinihinalang ginawa nina Maraguer, kaya nangako si Kandil na ipaghihiganti ito.

Ayon kay provincial police spokesperson Supt. Bernard Tayong, agad na pinigilan ng gobyerno at MILF ceasefire panels ang mga ito para isalang sa negosasyon.

Nagkaroon na ng ceasefire ayon kay Insp. Arnel Melocotones dakong alas-3:00 ng hapon ng Martes sa pagitan ng dalawang nag-aaway na angkan.

Ani Tayong, nang ipatawag naman ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan at ng ceasefire panels ang magkaaway na angkan, nagkasundo rin naman ang mga ito.

Bagaman nagkaroon na ng ceasfire, ayaw pa ring bumalik sa kani-kanilang mga tirahan ang mga lumikas na pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.