P1-M na halaga ng shabu nakumpiska sa mga drug suspect sa Maynila

Mahigit sa P1 Million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa anti-drug operation sa loob ng isang apartment sa San Andres Bukid sa Maynila.

Lima katao ang naaresto sa operasyon na kinabibilangan ng tatlong magkakamag-anak.

Ayon kay Senior Insp. Joel Cabauatan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) isang poseur buyer ang bumili ng P200,000 na halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang maisara ang transaksyon agad na inaresto ang mga suspek.

Nakuha sa apartment ang nasa 175 na gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P1.2 Million.

Read more...