3 preso patay dahil sa heat stroke sa Pasay City Jail

By Jimmy Tamayo October 13, 2018 - 09:30 AM

Patuloy na iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong bilanggo sa Pasay Police Jail Huwebes ng gabi.

Sa inisyal na ulat, heat stroke ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng tatlong preso na nasa edad na 36, 33 at 25.

Ayon kay Pasay City Police Chief, Senior Superintendent Noel Flores wala pang resulta ang pagsusuri sa mga labi ng hindi pinangalanang mga bilanggo.

Pero dahil sa pangyayari, agad silang nagpatawag ng medical team para masuri ang mga bilanggo at inilipat na rin sa ibang kulungan ang ilan sa mga ito para maiwasan ang siksikan sa piitan.

Base sa report ng pulisya bandang 8:30 Huwebes ng gabi nang mawalan ng malay ang tatlong preso at dinala pa sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.

TAGS: doa, heat stroke, noel flores, Pasay City Jail, doa, heat stroke, noel flores, Pasay City Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.