Comelec wala pang inilalabas na listahan ng election hotspots
Wala pang idinedeklarang election hotspots ang Commission on Elections para sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Comelec spokesman james Jimenez na masyado pang maaga para sa pagdedeklara ng mga areas of concern sa halalan.
Sa ngayon ay mas tinututukan nila ang nagpapatuloy na filing ng certificate of candidacy ng mga kandidato sa halalan.
Bukod dito ay hindi pa rin tapos ang Philippine National Police (PNP) sa evaluation ng mga lugar na inaasahang magiging mainit ang pultika sa panahon ng kampanya at sa mismong araw ng botohan.
Nauna dito ay sinabi ng liderato ng PNP na patuloy pa rin ang kanilang pagkuha ng mga datos sa mga lugar na inaasahang magiging magulo sa panahon ng eleksyon.
Hanggang sa October 17 ang filing certificate of candidacy at mayroon naman ang mga partido hanggang November 24 para sa pagbawi sa pangalan ng mga kandidato o kaya ay pagpalit sa pangalan ng mga nominado.
Sa Enero naman sa susunod na taon sisimulan ng Comelec ang pagpapa-imprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.