Target na rice sufficiency ng bansa hindi na maaabot ayon sa pangulo

By Den Macaranas October 13, 2018 - 08:43 AM

Inquirer file photo

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na maabot ng pamahalaan an target na maging rice sufficient ang bansa dahil sa patuloy na pagliit ng bilang ng mga bukirin sa bansa.

Ito ang dahilan kaya mas pabor ang pangulo sa tarification o pagpapasok sa bansa ng bigas ng mga negosyante basta’t magbabayad sila ng tamang buwis.

Nauna dito ay ipinag-utos ng pangulo ang “unimpended importation of rice” para mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Sinabi ng Malacañang na ang kautusan ng pangulo na rice liberalization ay naglalayong alisin sa kamay ng National Food Authority ang pagbibigay ng import permit na karaniwang nakukuha lamang ng mga piling negosyante sa bansa.

Binigyang-diin rin ng pangulo na importante sa kanya ang sapat na pagkain para sa mga ordinaryong Pinoy at ito ang target ngayon ng kanyang administrasyon.

Sa kabila ng kanyang ipinag-utos na importasyon ng bigas ay tiniyak naman ng pangulo na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang ani ng mga lokal na magsasaka.

Ito umano ang dahilan kaya mula sa dating P17 ay itinaas na sa P21 kada kilo ang pagbili ng Department of Agriculture sa aning palay ng mga magsasaka.

TAGS: Agriculture, BUsiness, duterte, nfa, rice sufficiency, Agriculture, BUsiness, duterte, nfa, rice sufficiency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.