Northeasterlies surface windflow at easterlies, nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa

By Rhommel Balasbas October 13, 2018 - 05:59 AM

Apektado ng dalawang weather system ang Bicol Region at Extreme Northern Luzon.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas ang easterlies.

Ang northeasterlies surface windflow naman ay inaasahang magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Dahil sa naturang weather system, may nakataas na gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at Ilocos Provinces.

Mapanganib ang paglalayag para sa mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa mararanasan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.