Day 2 ng COC filing naging matumal kumpara noong Huwebes

By Rhommel Balasbas October 13, 2018 - 04:56 AM

Kaunti lamang ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) kahapon sa Comelec Main Office sa Intramuros, Maynila kumpara noong Huwebes.

Hindi tulad noong Huwebes na may 27 ang naghain ng kandidatura sa pagkasenador, 10 lamang naghain ng COC kahapon.

Dahil dito ay nasa 37 na ang senatorial bets para sa 2019 elections.

Para naman sa mga partylist candidates, mula sa 18 noong Huwebes, 12 grupo lamang kahapon ang naghain ng kanilang Certificates of Nomination and Certificates of Acceptance.

Aminado naman si Comelec Spokesperson James Jimenez na mahina nga ang ikalawang araw ng filing ngunit posible anya na dadagsa ang mga kakandidato sa susunod na linggo.

Ani Jimenez, kadalasan naman na sa huling mga araw naitatala ang pinakamalalaking bilang ng filers.

Kabilang sa mga sikat na personalidad na naghain ng kanilang COC para sa pagkasenador kahapon ay sina Nancy Binay, abogadong si Larry Gadon at dating PNP at Bucor Chief Ronald Dela Rosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.