Halos 370,000 sumuway sa local ordinances – NCRPO
Umabot na sa halos 370,000 katao ang hinuli ng pulisya dahil sa mga paglabag sa mga lokal na ordinansa.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mula June 13 hanggang umaga ng Biyernes, October 12, umabot na sa kabuuang 369,148 ang hinuli ng mga awtoridad.
Sa naturang bilang, 31.36 percent o 115,778 ang hinuli dahil sa paglabag sa smoking ban; 6.93 percent o 25,584 ang nahuli dahil walang damit pang-itaas; 6.69 percent o 24,713 ang lumabag sa curfew hours; 4.72 percent ang nahuli dahil sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar habang ang natitirang 50 percent ay dahil sa iba pang paglabag.
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, ang Quezon City Police District ang may pinakamalaking bilang ng violators sa 210,632 o 57.6 percent ng kabuuang bilang sa rehiyon.
Nilinaw naman ng opisyal na ang mga lumalabag ay pinakakawalan naman agad matapos magmulta o ang iba’y ikinokonsidera ang kalagayan.
Ang mas istriktong implementasyon ng local ordinances ay bahagi ng pagpapanatili ng NCRPO ng peace and order sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.