Cayetano, iginiit na suportado ni Pangulong Duterte ang pagnanais niyang maging House Speaker
Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang target ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na maging susunod na House Speaker.
Ito ang iginiit ng kalihim sa panayam ng media sa consular affairs office ng DFA sa Pasay City.
Ayon kay Cayetano, hindi niya iiwan ang kagawaran kung hindi sang-ayon dito ang pangulo.
Giit niya, ayaw sana siya pakawalan ng pangulo dahil sa kanyang mga repormang ipinatupad sa DFA tulad ng reporma sa passport services.
Ayon kay Cayetano, napagdesisyunan niyang tumakbo muli sa Kongreso matapos ang pagbisita ng pangulo sa Israel at Jordan.
Sa kanilang naging heart-to-heart talk anya ay tiniyak ng presidente ang kanyang buong suporta sa pagtakbo bilang kongresista at pagiging Speaker of the House.
Samantala, napili na ni Pangulong Duterte si Philippine Permanent Representative to the United Nations Teddy Locsin Jr. bilang kapalit ni Cayetano.
Nakatakdang maghain ng kandidatura si Cayetano sa Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.