29 million accounts, nanakawan ng impormasyon ng hackers – Facebook

By Isa Avendaño-Umali October 13, 2018 - 01:58 AM

Kinumpirma ng Facebook na aabot sa 29 million accounts ang na-access ng hackers sa nangyaring security breach, na isiniwalat dalawang linggo na ang nakalilipas.

Noong pumutok ang ulat, hindi pa masabi ng Facebook kung ilang accounts ang apektado.

Nabanggit din noon ng Facebook na nasa 50 million accounts ang maaaring na na-hack, subalit hindi sila tiyak kung ang mga ito ay na-misuse o nagamit sa mali.

Kabilang sa mga na-access ng hackers ay mga pangalan, email address o phone numbers ng 29 million Facebook accounts.

Pero pinaka-apektado ang nasa 14 million accounts dahil nakakuha ang hackers ng mas maraming data gaya ng hometown, birthdate, huling sampung lugar na nag-check in ang bawat user o labing limang recent searches.

Mayroon namang isang milyong accounts ang apektado, pero bigo raw ang hackers na makakuha ng mga impormasyon.

Plano naman ng pamunuan ng Facebook na magpadala ng mensahe sa bawat accounts na na-hack.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.