Iginiit ni bagong talagang Presidential Spokesperson Salvador Panel ang line of succession o ang hahalili sa Pangulo para maiwasan ang power vacuum o mabakante ang pwesto.
Sa kanyang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Panelo na mahalaga ang line of succession sinuman ang nakaupong Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Ang pahayag ng Kalihim ay sa gitna ng draft ng federal constitution sa Kamara kung saan tinanggal si incumbent Vice President Leni Robredo bilang successor kay Pangulong Rodrigo Duterte sa transitory period.
Idinahilan ng mga nasa likod ng draft federal charter ang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos na kumukwestyon sa pagkaluklok ni Robredo.
Ibinalik naman sa House Committee ang draft para maibalik si Robredo sa line of succession.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.