Pahayag ito ni Comelec Chairperson Sheriff Abas kasunod ng sinabi ni DILG Officer-in-Charge Eduardo Año na irerekomenda niya ang disqualification sa pagtakbo sa sunod na halalan ng mga pulitiko na dawit sa iligal na droga.
Ayon kay Abas, isinama sa agenda at en banc ang naturang isyu at ini-refer na nila ito sa kanilang law department para suriin.
Nakatanggap din umano si Abas ng sulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parehong posisyon.
Pero sinabi ng Comelec chief na dapat ay may balance kung susundin nila ang mungkahi ng DILG at PDEA.
Dapat anyang may due process sa pagdiskwalipika sa mga kandidato dahil hindi anya agad na mangangahulungan na dapat ng tanggalin sa eleksyon ang nasa narco list.