6 katao na sangkot sa halos 800kg shabu na nasabat sa San Juan hinatulang guilty
Hinatulan ng korte sa Pasig City na guilty ang 6 na katao sa kasong transportation of illegal drugs kaugnay ng halos 800 kilos ng shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa San Juan City noong 2016.
Ibinaba ni Judge Genie Gapas-Agbada ang conviction laban kina Chen Wen De alias Jakcy Tan; Wu Li Yong alias David Go; Shi Gui Xiong alias Xiong; Salim Arafat; Basher Jamal at Abdullah Jahmal.
Ayon sa korte, nilabag ng 6 ang Section 5 in relation to Section 26 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Habambuhay na pagkakulong ang sintensya ng korte sa 6 at pinagbabayad sila ng multang P10 million.
Guilty rin sina Chen, Wu at Shi sa illegal manufacturing at possession of dangerous drugs na habambuhay na pagkakulong din ang hatol at parehong halaga ang multa.
Nag-ugat ang kaso sa nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) na 793 kilos ng shabu sa 3 lokasyon sa San Juan noong December 23, 2016.
Sa hatol ni Judge Agbada, nagsabwatan ang mga akusado at napatunayan ng mga testimonya ng NBI operatives ang “proof beyond reasonable doubt” na nagkaroon ng drugs transportation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.