Hard copy ng amnesty application form ni Trillanes, tatapos sa kanyang kaso – Judge Alameda

Iginiit ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na ang “best evidence” sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes IV ay ang hard copy ng kanyang amnesty application form.

Ayon kay Judge Alameda, kung maiprisinta ni Trillanes ang hard copy ng application form ng kanyang amnestiya ay tapos na ang proceedings.

Paliwanag ng hukom, nais ng korte ang primary document, hard copy o xerox copy ng amnesty application form.

Pero argumento ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles, nawawala ang aplikasyon kaya dapat tanggapin na ebidensya ang act of physical filing nito.

Nagsagawa ang korte ng hearing sa motion for reconsideration ng Senador para ibasura ang arrest order kaugnay ng kasong rebelyon laban sa kanya.

Binigyan ni Alameda ang kampo ni Trillanes ng 5 araw para maghain ng rejoinder sa komento ng DOJ.

Read more...