Nasa listahan ang 68 establishments na may kabuuang 3,519 na kwarto na binigyan ng gobyerno ng clearance halos 2 linggo bago ang reopening ng Boracay.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, sumunod ang naturang mga establisyimento sa alituntunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at DOT.
Bago ang nakatakdang muling pagbubukas ng sikat na tourist destination sa October 26 ay may dry run at soft opening mula October 16 hanggang 25.
Una nang sinabi ni Puyat na nasa pagitan ng 3,000 at 5,000 na kwarto ang magiging available sa Boracay reopening.