Kris Aquino, nagsampa ng kaso laban sa dating kasosyo sa negosyo
Kinasuhan ni Kris Aquino ang dati nitong business associate dahil sa umanoy qualified theft.
Sa kanyang Instagram ay sinabi ni Aquino na nagpunta siya sa Quezon City Prosecutor’s Office para panumpaan ang reklamong qualified theft laban sa dati niyang kasosyo sa negosyo na hindi nito pinangalanan.
Naghain din anya ang kanyang mga abogado ng parehong demanda sa 6 pang lugar, sa San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig at Manila.
Una nang sinabi ng actress-host na ang pagloko sa kanya ng kanyang business partner ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang timbang.
Sa kanyang social media ay ibinahagi ni Aquino na nabawasan siya ng 15 lbs. sa loob lang ng 1 buwan.
Matapos magpatingin sa Singapore ay nalaman ng Queen of all Media na mayroon siyang autoimmune condition.
Umaasa ang aktres na makakamit niya ang hustisya dahil hindi na anya nakikipag-ayos sa kanila ang kanyang inireklamo at nagkakalat pa ito ng malisyosong mga impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.