GOOD NEWS: Mayroong rollback sa produktong petrolyo

FILE

Magandang balita para sa mga motorista!!!

Makalipas ang sunud-sunod na price hikes, sa wakas ay mayroon nang rollback sa mga produktong petrolyo.

Unang-una sa pagpapatupad ng rollback ay ang Phoenix Petroleum Philippines.

Epektibo 12:01 ng Sabado (October 13), P0.80 ang kaltas ng kumpanya sa kada litro ng kanilang gasolina, habang P0.60 ang bawas sa kada litro ng diesel.

Inaasahan naman na mag-aanunsyo rin ng price rollback ang iba pang oil companies.

Ang price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng imported na petrolyo.

Matatandaang siyam na linggong nagkaroon ng oil price increases.

Read more...