Laro ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters, nauwi sa pisikalan

Nagkatensyon sa paghaharap ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters sa 2018 PBA Governor’s Cup, gabi ng BIyernes sa MOA Arena.

Nagka-pisikalan kasi sa pagitan ng SMB import na si Kevin Murphy at Calvin Abueva ng Phoenix, sa kasagsagan ng 4th quarter ng laro.

Na-head lock ni Murphy si Abueva, hanggang sa lalong uminit ang gulo.

Napasugod naman si SMB Coach Loiue Alas patungo sa bench ng kabilang koponan para kumprontahin ang isang staff ng Phoenix.

Pinatawan ng referee si Murphy ng Flagrant Foul Penalty 1, habang pakiramdam ni Abueva ay sinakal siya ng naturang import.

Na-technical naman sina Doug Kramer, Paolo Bugia na team manager ng Phoenix, at si Coach Alas. Sa bandang huli, panalo ang San Miguel kontra sa Phoenix sa iskor na 117-110.

Ito’y kahit pa hindi nakapaglaro ang MVP at star player na si June Mar Fajardo, para sa San Miguel na may rekord nang 3-4 na win-loss.

Read more...