Mas maraming pamilyang Pinoy nakararanas ng gutom – SWS
Mas maraming Pinoy ang nagsabing nakararanas sila ng gutom ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 3rd quarter survey ng SWS, 13.3 percent o 3.1 million na Filipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 3.9 points kumpara sa 9.4 percent na naitala noong buwan ng Hunyo.
Ito rin ang pinakamataas na self rated hunger mula noong December 2017 kung saan naitala ang 15.9 percent.
Isinagawa ang survey mula Sept. 15 hanggang 23 kung saan lumitaw na 10.6 percent ng Filipino families ang nakararanas ng moderate hunger, habang 2.8 percent ang nakararanas ng severe hunger.
Sa ginawang survey, 1,500 na adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.