Palasyo, umalma sa pagharang ng membership ng Pilipinas sa Human Rights Council

By Alvin Barcelona October 12, 2018 - 08:18 PM

INQUIRER File Photo

Nanindigan ang Malakanyang na hindi nila kinukunsinte ang mga Human Rights Violation sa bansa.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa balitang hinaharang ng grupong Human Rights Watch ang membership ng Pilipinas sa Human Rights Council dahil sa mga kaso ng extra judicial killings ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Panelo, naniniwala siyang walang human human rights crisis na umiiral sa bansa tulad ng pinalalabas ng mga kritiko.

Kahit aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ay ilang ulit nang sinabi na hindi niya pahihintulutan ang paglabag sa karapatang pantao ng opisyal ng pamahalaan.

Sa unang State of the Nation ng pangulo ay sinabi nito na bagamat nagdeklara siya ng giyera laban sa iligal na droga, hahabulin niya ang mga opisyal na aabuso sa kanilang awtoridad.

Patunay aniya dito ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na umabuso sa mga isinagawa nilang mga operasyon.

Para kay Panelo desisyon na ng Human Rights Council kung tatanggapin nito o hindi ang aplikasyon ng Pilipinas.

TAGS: human rights council, War on drugs, human rights council, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.