3 na ang patay sa pananalasa ng Hurricane Michael sa Florida

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 07:53 PM

AP Photo

Matinding pinsala na ang idinulot ng Hurricane Michael sa Florida.

Umabot n a sa tatlo ang nasawi sa pinakamalakas na hurricane na tumama sa lugar sa nakalipas na 50-taon.

Nagdulot din ito ng flash floods sa North Carolina at Virginia.

Marami ring nawasak na tahanan kaya ang mga pamilya na naninirahan sa Florida Panhandle ay nanuluyan muna sa mga shelter at ang iba ay sa hotel.

Tinawag naman ni Gov. Rick Scott na “unimaginable destruction” ang sinapit ng Panhandle dahil sa dami ng pamilyang naapektuhan at nawalan ng tirahan.

TAGS: florida, Hurricane Michael, Panhandle, florida, Hurricane Michael, Panhandle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.