Import ng Ateneo Blue Eagles, binitbit ng mga pulis

By Jay Dones November 05, 2015 - 12:09 AM

 

Kuha ni Tristan Tamayo

Dinala sa himpilan ng pulisya ang import player ng Ateneo Blue Eagles na si Chibueze Ikeh dahil umano sa reklamong may kinalaman sa paglabag sa Anti-Violence against Women and Children Act, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa source ng Inquirer.net, dinala si Ikeh sa Kamp Caringal sa Quezon City matapos ang laro nito sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang oras umanong nag-abang ang mga operatiba ang QCPD sa labas ng Coliseum at hinintay na matapos ang laban ng Ateneo laban sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng Season 78.

Ayon naman kay Ateneo Athletics Director Emmanuel Fernandez, isang ‘private matter’ ang dahilan kung bakit inimbitahan si Ikeh ng mga pulis at hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Wala rin aniyang kinalaman ang insidente sa Ateneo o maging sa UAAP.

Una nang naging laman ng mga balita ang mga manlalaro ng Ateneo nang maging viral sa social media sites ang video ng pagwawala ng Ateneo forward na si John Apacible habang lasing na lasing  kamakailan./jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.