Duterte at Roque, walang samaan ng loob – Panelo

By Alvin Barcelona October 12, 2018 - 07:11 PM

Malacañang Photo

Itinanggi ng bagong presidential spokesman at concurrent chief presidential legal counsel na si Atty. Salvador Panelo na may samaan ng loob sina Pangulong Rodrigo Duterte at si Atty. Harry Roque.

Nilinaw ito ni Panelo kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng bagong tagapagsalita at pahayag nito sa Davao International Airport na nahilo siya sa papalit-palit na desisyon ni Roque kung mananatili ito sa posisyon o tatakbo sa senado.

Ayon kay Panelo, wala siyang nalalaman na samaan ng loob sa pagitan ng dalawa.

Inamin naman nito na hindi niya alam ang tunay na status ni Roque sa ngayon dahil ang alam lamang niya ay itinalaga siya ng pangulo bilang bagong spokesman.

Wala rin siyang impormasyon kung nagbitiw na ang kalihim sa puwesto pero sinabi sa kanya nito gusto na niyang tumakbo sa pagka-senador.

Hindi pa rin niya nakakausap si Roque nitong nagdaang mga araw pero magkikita sila sa briefing sa Lunes baka para magpaalam sa miyembro ng Malacañang Press Corps.

Blangko pa si Panelo kung bibigyan ng pangulo si Roque ng panibagong posisyon dahil ang huling sinabi ng pangulo ay kakausapin pa niya ang kalihim.

TAGS: Harry Roque, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, Harry Roque, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.