Matapos isangkot ang ilang unibersidad sa Metro Manila sa umano’y recruitment ng NPA, inihayag ngayon ng gobyerno na nawala na ang planong patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte na tinatawag na “Red October Plot”.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi na natuloy ang plano dahil nabuking na ang mga nasa likod nito.
Naglaho na anya ang mga grupo na umano’y may pakana ng “Red October Plot” matapos ibunyag ng Armed Forces of the Philippines ang ilang dokumento na nagkukumpirma sa planong pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Iginiit ni Lorenzana na totoong may nakuhang mga dokumento na nakalagay ang “Red October” pero nang ilabas ito ng militar ay nawala ang mga grupong nasa likod nito kaya hindi na ito tuloy.
Una nang sinabi ng pamahalan na ang “Red October Plot” ay ang sabwatan ng mga rebelde, oposisyon kabilang ang grupong Magdalo para mawala sa pwesto ang pangulo.
Idinawit pa ang ilang unibersidad sa Metro Manila kung saan umano may recruitment ang NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.