Pulis na napatay sa ambush sa Talisay City, nasa narcolist ni Pang. Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 05:57 PM

CDN Photo | Benjie Talisic

Nakilala na ang apat na nasawi sa pananambang sa Talisay City sa Cebu.

Isa sa mga nasawi si PO3 Michael “Micmic” Cortez na dating nakatalaga sa Barili Police Station pero inilipat sa Mindanao.

Si Cortez na residente ng Barangay Biasong ay kasama sa mga aktibong pulis na nasa listahan ng mga narco cops na inilabas ni Pangulong Duterte noong August 2016.

Sakay ng kaniyang SUV si Cortez nang pagbabarilin ng dalawang salarin.

Kabilang din sa nasawi sa naturang pananambang ang scavenger na si Zenie Ranjos na dumadaan lang sa lugar nang mangyari ang pananambang.

Habang ang isa pang nasawi ay kinilalang si Jose Soroño.

TAGS: ambush, Talisay City, ambush, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.