Hindi lahat ay corrupt!

June 21, 2015 - 01:07 PM

Vargas
Kuha ni Len Montano

Nanindigan si Quezon City Fifth District Rep. Alfred Vargas na hindi lahat ng mambabatas ay kurap.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Vargas na hindi lahat sa mga kapwa Kongresista niya ay naging bahagi ng pork barrel scam.

“Mayroon din na talagang ibinababa sa mga mamamayan ang pondo para sa social services,” pahayag ni Vargas kay Warrior Angel program host Brenda Arcangel.

Ayon kay Rep. Vargas, naging epektibo rin naman ang mga proyekto ng mga mambabatas na may Priority Development Assistance Fund (PDAF) lalo na kapag dumating sa mga tao ang budget.

Samantala, ayon kay Vargas, edukasyon ang tanging solusyon sa mga problema ng komunidad.

“Pero kailangan ang long term na hakbang sa edukasyon dahil kailangan ng mahabang proseso para makita ang resulta hanggang sa kinabukasan,” dagdag ni Vargas.

Makikita anya ang resulta ng investment sa edukasyon kapag naging propesyunal na ang tao at naging isa na itong mabuting mamamayan. / Len Montaᾑo

TAGS: alfred vargas, Radyo Inquirer, alfred vargas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.