Mikey Arroyo tatakbong kongresista sa Pampanga

Muling tatakbong kongresista sa Pampanga si Juan Miguel “Mikey” Arroyo.

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy si Arroyo para tumakbo bilang kongresista sa 2nd district ng lalawigan.

Layon ni Mikey na palitan sa pwesto ang kaniyang ina na si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Huling termino na ngayon ni Arroyo bilang kongresista ng Pampanga.

Ani Mikey, nais niyang ituloy ang mga programa ng kaniyang ina.

Tatakbo si Mike sa ilalim ng Lakas-CMD.

Read more...