Preliminary investigation sa pagpatay kay VM Lubigan itutuloy sa Oct. 26 ng DOJ
Muling ipagpapatuloy ng Department of Justice (DoJ) sa Oktubre 26 ang preliminary investigation sa reklamong murder at frustrated murder kasunod ng pagkamatay ni Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.
Sa isinagawang imbestigasyon ngayong araw present ang complainant na si Romeo Endrinal, bodyguard ni Lubigan na pinanumpaan ang kanyang salaysay.
Inatasan naman ni Senior Assistant State Prosecutor Rex Gingoyon na magsumite ng counter affidavit ang mga respondent na sina Rhonel Bersamina at Lawrence Arca.
No show ang ibang respondent pero ang idinadawit sa krimen na si Trece Martires Mayor Melandres De Sagun ay ni-represent ng kanyang abogadong si Atty. Alexander Nala.
Muling papadalhan ng subpoena sina Luis Vasquez Abad Jr at Ariel Fletchetro Paiton na bigong dumalo sa imbestigasyon.
Hiniling naman ni Atty. Nala na mabigyan siya ng karagdagan pang panahon para magsumite ng kontra salaysay ng kanyang kliyente dahil naging counsel lang ito ni Mayor De Sagun noong Oktubre 9.
Dahil dito binigyan ng DoJ panel si Atty. Nala nang hanggang Oktubre 26 para magsumite ng counter affidavit si De Sagun maging sina Lawrence Arca, municipal councilor ng Maragondon, Cavite at Rhonel Bersamina.
Magugunitang Setyembre 13 nang ihain ng PNP ang reklamo sa DoJ matapos tambangan ang vice mayor sa harap ng Korean-Philippines Hospital sa Brgy. Luciano noong hapon ng July 7 na ikinasawi nito at ng kanyang driver at ikinasugat naman g kanyang body guard.
Humaharap ang mga respondent sa dalawang counts ng murder at frustrated murder.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.