Cong. Floirendo, muling humirit sa Sandiganbayan na makapag-abroad

Panibagong mosyon ang inihain ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo sa Sandiganbayan, para sa kanyang biyahe sa abroad.

Sa kanyang motion for leave to travel abroad na isinumite sa Sandiganbayan 6th division, hiniling ni Floirendo na mapayagan siyang makaalis ng bansa patungong Hong Kong, Japan at Amerika.

Batay sa mosyon, ang kanyang personal trip ay mula October 17 hanggang November 10, 2018.

Paliwanag ni Floirendo, kanyang sasamantalahin ang panahon dahil kasalukuyang naka-break na ang Kamara para sa paparating na Undas.

Tiniyak naman ng kongresista na napayagan na siya ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at hinihintay na lamang niya ang pahintulot ng korte.

Si Floirendo ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay sa TADECO-BUCOR deal, na isinampa ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Read more...