Pagsumite ng aplikasyon para sa CJ post pinalawig ng JBC

By Ricky Brozas October 12, 2018 - 05:02 PM

Mula sa deadline na Oct. 15, pinalawig ng Judicial and Bar Council sa October 26 ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon para sa chief justice.

Kasunod ito ng pagretiro noong Oct. 10 ni Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Samantala, tinanggihan ni Associate Justice Mariano C. Del Castillo ang automatic nomination sa kaniya bilang isa sa limang most senior associate justice.

Idinahilan ni Del Castillo na nakatakda na rin kasi siyang magretiro sa July 29 sa susunod na taon.

Bunga nito ang apat na lamang na senior associate Justices ang automatically nominated kabilang sina Senior Associate Justices Antonio T. Carpio, Justice Diosdado M. Peralta, Justice Lucas Bersamin, at Justice Estela Perlas-Bernabe.

Sina Justices Peralta at Bersamin ay sumailalim na sa public interview ng JBC.

Samantala, mababakante na rin ang isa pang associate justice post sa Korte Suprema bunga ng nakatakdang pagreretiro sa January 5 ni Justice Noel Tijam.

TAGS: Chief Justice post, JBC, Radyo Inquirer, Supreme Court, Chief Justice post, JBC, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.