LOOK: Ilang lansangan sa QC sasailalim repair ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 04:45 PM SHARE(S):

Isasailalim sa reblocking at repair ang ilang pangunahing lansangan sa Quezon City ngayong weekend.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) magsisimula ang repair works alas 11:00 ng gabi mamaya, Oct. 12 hanggang sa Lunes, Oct. 15 alas 5:00 ng umaga.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:

Sa EDSA Northbound
– Beside Trinoma Mall, 6th lane mula sa center island

Sa EDSA Southbound
– Lagpas ng Eugenio Lopez hanggang baggo mag-Scout Borromeo Street, sa tabi ng MRT Line

Kukumpunihin din ang Batasan Road, mula sa Sinagtala Street hanggang Batasan-San Mateo Road, 4th Lane

Pinayuhan na ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada sa kasagsagan ng repair.

TAGS: DPWH, mmda, road reblocking, road repair, DPWH, mmda, road reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.