Filing ng COC at CONA hindi na palalawigin – Comelec
Hindi na magtatakda pa ng karagdagang panahon ang Commission on Elections para sa paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and Acceptance para sa 2019 midterm election.
Ayon kay Comelec Chairman Sherrif Abbas, naglabas na ng resolusyon ang Comelec en banc na nagsasabing hanggang sa October 17 lamang ang paghahain ng kandidatura.
Matapos aniya ang filing ay kaagad magsasagawa ng evaluation ang Comelec Law Department sa mga nagsumite ng kandidatura.
Aalamim anya kung ang mga ito ay kwalipikado o kaya naman ay panggulong kandidato lamang.
Matapos anya ito ay kaagad silang maglalabas ng listahan ng mga kwalipikadong tumakbo sa halalan.
Maari namang makapaghain ng substitution ang mga kandidato ng isang partido hanggang sa November 29 ng kasalukuyang taon.
Samantala, itinakda naman ng komisyon ang printing ng mga balota sa Enero ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.