Pagsasabay ng 2019 elections at plebesito para sa bagong Konstitusyon mahirap ayon sa Comelec

October 12, 2018 - 04:26 PM

Hihintayin ng Commission on Elections ang magiging kahihinatnan ng bagong Saligang Batas sa Kongreso.

Ayon kay Comelec Chairman Sherrif Abbas, titingnan nila kung ano ang mangyayari sa pagpapalit ng Konstitusyon.

Aminado naman ang pinuno ng komisyon na mahihirapan sila sakaling isabay sa 2019 elections ang plebiscite para dito.

Sinabi ni Abbas, na kung logistics ang pag-uusapan ay mahihirapan sila dahil abala sila para sa midterm elections.

Nauna rito, isinalang na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang draft ng federal constitution kung saan target ng mga itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa pagbalik ng kanilang sesyon sa Nobyembre ng kasalukuyang taon.

TAGS: 2019 elections, comelec, constitution, plebiscite, 2019 elections, comelec, constitution, plebiscite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.