LRT-1 magpapatupad ng crowd control simula sa Lunes
Para maiwasan ang siksikan sa pagsakay ng tren magpapatupad na ng ng crowd control ang pamunuan ng LRT-1 sa kanilang mga istasyon.
Sa abiso ng LRT-1, ipatutupad ang crowd control sa hagdan, AFCS gates o TVMS at sa platform.
Ipatutupad ang Crowd Control simula 7AM to 10AM at 4:30PM to 8:30PM kada araw.
Maliban sa kaayusan, layon din nitong matiyak ang seguridad ng mga pasahero.
Sinabi ng LRT-1 na magpapatupad din ng ‘limit’ sa bilang ng mga pasahero sa bawat platform ng istasyon ng tren maliban na lang sa priority passengers (Senior Citizen, PWD, buntis at may kasamang bata) upang matiyak ang maayos na pagsakay ng lahat ng mga pasahero.
Hiniling naman ng LRT-1 ang pang-unawa ng publiko sa ipatutupad na crowd control.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.