Pilipinas hindi mabu-bully sa ilalim ni Locsin bilang DFA secretary ayon kay SP Sotto
Tinawag ni Senate President Tito Sotto III na “best appointment ever” at “excellent choice” ang pahirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Teddy Boy Locsin Jr. bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Sotto, sa ilalim ng pamumuno ni Locsin sa DFA ay siguradong hindi mabubully ng ibang bansa ang Pilipinas.
Positibo rin ang reaksyon ni Senator JV Ejercito sa pagkakatalaga kay Locsin.
Aniya, makatutulong ang matagal nang karanasan ni Locsin sa public service at kumpiyansa siyang magagawa ni Locsin na katawanin ang mga Filipino sa international community.
Kasabay nito ay bianti ni Ejercito si Locsin para sa bago nitong posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.