Presidential son Paolo Duterte tatakbong kongresista

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-kongresista si presidential son Paolo Duterte sa Commission on Election (Comelec) sa Davao City.

Tatakbo si Paolo bilang kongresista sa unang distrito ng Davao.

Kasama ni Paolo na naghain ng COC ang kaniyang abugado at kapatid na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ayon kay Paolo, nagdesisyon sya na tumakbong kongresista matapos ang ilang buwan na pagkonsulta at pakikipag-usap sa pamilya.

Hindi naman umano niya nakausap si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito pero alam aniya ng pangulo ang kaniyang political plans.

Ilang taon nang kinakatawan ng Nograles family ang First District ng Davao.

Read more...