P3.77M nahalaga ng mga kontrabando nasabat ng BOC

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 01:35 PM

Aabot sa P3.77 million na halaga ng mga kontrabando ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP).

Ang mga nasabat ay kinabibilangan ng pitong containers na naglalaman ng gamit na damit, carrots, sapatos at mga laruan.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, pawang misdeclared at abandonado ang mga kargamento.

Naka-consign sa ASD Total Package Enterprises, Inc. ang anim na abandonadong shipments na idineklarang fresh apples ang laman.

Pero nang buksan, nakitang carrots ang laman ng mga kahon.

Ang shipment naman na naglalaman ng mga gamit na damit, sapatos at mga laruan ay naka-consign sa Freccia Prime Marketing Co.

Idineklara itong hangers at plastic racks ng consignee.

Nahaharap sa kaso ang consignee ng mga naturang mga kargamento.

TAGS: abandoned shipments, BOC, misdeclared products, abandoned shipments, BOC, misdeclared products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.