Sinabi ni Sudanese Presidential spokesman Ateny Wek Ateny na labing-siyam ang sakay ng nasabing eroplano na kinabibilangan ng labing-pitong mga Sudanese at apat na Russian na pawang mga crew ng nasabing cargo plane.
Sa inisyal na report ng mga otoridad, ilang minute pa lamang na nakapag-takeoff mula sa paliparan ang eroplano nang pamansin nilang huminto ang pagtakbo ng mga makina ng Antonov-12.
Kaagad na nagliyab ang eroplano nang ito’y bumagsak sa bahagi ng ilog.
Kabilang sa mga nakaligtas ay ang isang crew ng eroplano at isang bata na hindi naman kinilala ng mga otoridad.
Noong isang linggo ay isang Russian plane na pag-aari ng Metro Jet ang bumagsak kung saan ay patay ang lahat ng 224 na pasahero nito.
Naganap ang plane crash sa Sinai Desert sa Egypt.