Sinabi ito ni DILG Asec. Jonatahan Malaya sa panayam dito sa Malakanyang matapos pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang ilabas ang nasabing listahan.
Ayon kay Malaya, sinabi na rin ni DILG Sec. Eduardo Año na ibibigay nila sa Comelec ang narco-list para sa kanilang disposisyon.
Nais aniya ni Año na ipaalam sa Comelec kung sinu-sino ang mga politiko na kasama sa listahan at kung alin sa mga ito ang may pending na mga drug cases.
Gusto rin ni Año na madiskwalipika sa pagtakbo sa eleksyon ang mga nasa listahan.
Gayunman, may mga election lawyers aniya na nagsasabing may legal impediment ang gusto nilang mangyari kaya nga nila ito ipapaubaya sa Comelec.
Posible nilang isumite sa poll body ang hawak nilang narco-list pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy.