Ilang pang nominado para sa Party list naghain na ng CONA

By Erwin Aguilon October 12, 2018 - 12:27 PM

Sa ikalawang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) dalawang grupo ng nais tumakbo sa Party list elections ang nagtungo na sa Commission on Election.

Unang naghain ng kanilang CONA ang mga nominees ng Gabriela Women’s Party.

Ayon kay Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Party-list, hindi sila nababahalang maapektuhan ang mga posible nilang makuhang boto dahil pagkakaugnay sa kanila ng militar sa tinaguriang Red October o ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sunod naman ang “A ASENSO” Partylist kung saan ayon kay Isagani Nerez target nilang makabalik sa mababanh kapulungan ng Kongreso upang maisulong ang kanilang programa para sa nga obrero.

Ikatlo sa naghain ang COOP-NATCO Partylist.

Ayon kay Reynaldo Gandionco, ang 2nd nominee ng COOP-NATCCO na hangad nilang makakuha muli ng puwesto sa Kamara upang ma-amiyendahan ang Cooperative Code na panahon pa ni dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo naaprubahan.

TAGS: 2019 elections, elections, party-list groups, 2019 elections, elections, party-list groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.