MIAA magdaragdag ng parking slots sa NAIA T1

Magdaragdag ng parking slots ang Manila International Airport Authorities (MIAA) sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Parking C sa terminal 1 na dating inookupahan ng airport transport providers ay gagawin na mulong public parking area.

Ayon sa MIAA kaya nitong maka-accommodate ng 400 sasakyan.

P40 ang sisingiling standard na parking fees para sa unang 3 oras at P15 naman sa mga karagdagang oras.

Ayon sa MIAA, 24/7 magiging operational ang parking area.

Read more...