LOOK: Bato Dela Rosa naghain ng COC sa pagka-senador

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 11:16 AM SHARE(S):
Inquirer Photo | Jovic Yee

Nagsumite na ng kaniyang certificate of candidacy para tumakbong senador si dating PNP Chief at dating Bucor Director Ronald Dela Rosa.

Sa kaniyang pagtakbo sinabi ni Dela Rosa na nais niyang mawalan ng impluwensya ang pulitika sa PNP.

Hindi na aniya dapat magkaron ng kapangyarihan ang local chief executives sa pagpili ng PNP commander sa nasasakupang lugar.

Kung mahalal na senador sinabi ni Dela Rosa na isusulong din niya ang paglikha ng “Department of Corrections” na mangangasiwa sa BJMP, BuCor, at mga local jail.

Ani Dela Rosa, seryoso siya sa pagtakbong senador at tututukan niya ang mga usapin tungkol sa law enforcement, peace and order at security.

TAGS: Radyo Inquirer, ronald dela rosa, senatorial elections, Radyo Inquirer, ronald dela rosa, senatorial elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.