Hiling na maglabas ng arrest warrant at HDO vs Trillanes dedesisyunan na ng Makati RTC Br. 148
Dedesisyunan na ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na ma-isyuhan ng warrant of arrest si Senator Antonio Trillanes sa kasong kudeta.
Sa apat na pahinang order ni Judge Andres Bartolome Soriano, matapos ang presentation of evidence sa korte noong nakaarang linggo, itinuturing nang submitted for resolution ang inihaing Urgent Ex-Parte Motion for Issuance of Hold Departure Order and Alias Warrant of Arrest laban sa senador.
Nakasaad din sa order na karamihan mga ebidensya na naisumite noong nagdaang pagdinig ay tinatanggap ng korte.
Maliban lang sa exhibits number 9 at 12 na hindi tinanggap ng korte dahil hindi duly authenticated ang mga ito.
Dahil sa nasabing order, hihintayin na lamang kung ano ang magiging pasya ng hukom sa hiling ng DOJ na ipaaresto si Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.